Posts Tagged ‘I Love Betty La Fea’

Pinoy Parazzi: Remake na naman?

Pinoy Parazzi: Remake na naman?

Posted on 19 Jun 2009 at 5:52pm

KADALASAN EH, TINATAMAD na kong buksan ang TV dahil puro na lamang remake ang mga napapanood ko. Lahat na ata ng mga palabas mapa-Pinoy man o galing ibang bansa ay ginawan na ng remake o gagawan pa lamang ng remake ng dalawang dambuhalang istasyon. Hala, ano bang nangyayari sa atin, mga ate at kuya? Wala na ba tayong maisip na orihinal na ideya para sa mga palabas at todo “may I hiram” na lang tayo ng ideya sa iba? At tsaka, please lang, ‘wag na i-remake ang isang palabas kung hindi naman mapapantayan ang kalidad noong orihinal. Kung titingnan mo ang listahan ng mga nakalinyang programa ng dalawang malaking istasyon ang karamihan dito ay remake—nariyan ang Rosalinda, Full House, Lovers in Paris, at maraming pang iba. Noong una, medyo nakakatuwa pa at nakakaaliw ang mga adaptation at remake ng mga TV show. Hindi ko naman isinasantabi ang hirap at pagod na nilalaan ng production staff at mga artista sa paggawa ng mga programa. Hindi rin naman kasi biro ang gumawa ng isang show. Hindi naman masama ang pag-remake, e. Pero ngayon, nakakasawa na rin kasi parang paulit-ulit na lang ang nakikita at napapanood mo sa telebisyon. Kailan kaya magkakaroon ng remake ang Mara Clara o kaya ang Pangako Sa ’Yo?

Dahil mukhang nag-eenjoy at masaya naman ang dalawang istasyon sa paggawa ng mga remake ng palabas at wala nang makakapigil sa kanila, wish ko lang naman na hindi matulad sa kinahinatnan ng I Love Betty La Fea ang ibang remake. Pasensiya na ah, pero siguro naman alam mo na ang ibig sabihin ko. Kasi naman pinipilit i-extend ang palabas at nagkasanga-sanga na ang istorya medyo nakakaumay na tuloy so, sana hindi ito mangyari sa ibang palabas. Ang sabi nga eh, “ang lahat ng bagay ay may katapusan” kaya naman kahit mataas ang rating ng isang programa ‘wag na sana i-extend ng todo kasi promise, papangit ang kalalabasan.

Oh diba kamakailan lang eh, walang patid ang pag-aanunsiyo ng dalawang istasyon na sila ang Number 1 mapa-TNS man o mapa-AGB-Nielsen man ang nagsabi? Siguro naman oras na para gumagawa sila ng mga bago at kakaibang palabas na mamahalin at tatangkilikin ng mga taong nanonood ng kanilang istasyon dahil ang mga manonood naman ang dahilan kung bakit sila “Number 1.” Sige na, kayo na ang Number 1 pero sana panindigan ninyo ang pagiging Number 1 sa paggawa ng mga magaganda at may kalidad na programa. ‘Yung mga programang makikita mong talagang pinaghandaan, pinag-isipan ng mabuti ang istorya at pinagbuhusan ng oras at panahon. At kung pwede lamang ay medyo bawasan na rin ang mga remake. Sana hindi ‘yung puro press release na lamang na “kami ang number 1, kami ang number 1.” Dahil ang pagiging number 1, hindi lamang nakikita sa taas ng ratings kung hindi sa mga taong napapaligaya ng mga iba’t ibang dekalidad na programa na pinapalabas ng isang istasyon.

by Brink Notes Entertainment Daily

This article was published on the June 19, 2009 issue of Pinoy Parazzi. Buy your own copy of Pinoy Parazzi available from Mondays through Fridays on different newsstands nationwide.

BED Podcast #025 - April 21, 2009

BED Podcast #025 – April 21, 2009

Posted on 21 Apr 2009 at 3:37pm

In a few minutes, Brink Notes Entertainment Daily Podcast brings you
on the brink of what’s happening on the entertainment world in audio
format.

In the Tuesday edition of BED Podcast, the following stories were tackled:

  • Father of “Slumdog Millionaire” young star denies putting daughter on sale
  • “New Moon” film production on hold; author faces lawsuit?
  • ABS-CBN’s “I Love Betty La Fea” now on its final week

News End Signature by mansardian

US Voicemail Number: +1 206 350 2546 | E-mail: info@brinknotes.net | http://www.brinknotes.net

GoDaddy Coupons / Promo Codes: (Some restrictions apply. See site for details.)
pod129 – 10% off any GoDaddy hosting plans
blu129 – 10% off all GoDaddy products
podsave129 – $5 off on orders of $30 or more
podname129 – $7.49 Domain Names

Subscribe to Brink Notes Entertainment Daily Podcast via iTunes! You can also listen through the flash audio player below.

ABS-CBN's “I Love Betty La Fea” now on its final week

ABS-CBN’s “I Love Betty La Fea” now on its final week

Posted on 20 Apr 2009 at 9:00pm

ABS-CBN’s primetime television series “I Love Betty La Fea” starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz is soon coming to an end.

Although avid followers of the show are saddened by the fact that the series is going to end soon, many are excited to find out what will happen next on the hit television series.

In the past few episodes of the series, we have seen that Betty and Armando’s wedding was cut short because of the unexpected turn of events. Now the ending of the series is near, will Betty and Armando’s wedding finally push through? And, will the viewers find out the real story behind the death of Armando’s mother?

Don’t miss the finale episodes of the well-loved and top-rating television series “I Love Betty La Fea” weeknights on ABS-CBN’s Primetime Bida after “May Bukas Pa.”

For more updates, make sure to log-on to www.abs-cbn.com or http://ilovebettylafea.multiply.com.

Advertisement

More Posts

News Archive

February 2012
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
« Feb    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
26272829